Yellow heavy rainfall warning nakataas sa ilang bahagi ng Cagayan at Isabela
Nakararanas ng malakas at patuloy na pag-ulan sa ilang bahagi ng Cagayan at Isabela dahil sa Tail-end ng Cold Front.
Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 5:00 ngayong Lunes, Nov. 9, yellow warning level na ang umiiral sa mga bayan ng Abulug, Baggao, Claveria, Gattaran, Pamplona, Peñablanca, Santa Praxedes at Sanchez Mira sa Cagayan.
Gayundin sa Cabagan, Divilacan, Ilagan City at Tumauini sa lalawigan ng Isabela.
Babala ng PAGASA posibleng magdulot ng pagbaha sa mabababang lugar o landslides sa bulubunduking lugar ang nararanasang pag-ulan.
Samantala, mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa mga bayan ng Calanasan, Conner at Kabugao sa Apayao; Alcala, Amulung, Aparri, Ballesteros, Buguey, Camalanuigan, Enrile, Iguig, Lallo, Piat, Rizal, Santa Teresita, Solana, Tuao at Tuguegarao City sa Cagayan; Adams, Burgos, Bangui, Dumalneg, Pagudpud at Vintar sa Ilocos Norte; sa nalalabi pang bahagi ng Isabela at sa Kalinga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.