Tropical Storm Tonyo nakalabas na ng bansa

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2020 - 05:27 AM

Lumabas na ng bansa kaninang (Nov. 9) alas 2:00 ng madaling araw ang Tropical Storm na si Tonyo.

Sa final weather bulletin na inilabas ng PAGASA ang bagyo ay patungo na sa southern portion ng Vietnam.

Huling namataan ang bagyo na mayroong international name na “Etau” sa layong 710 kiloeters West ng Calapan City, Oriental Mindoro.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.

Ayon sa PAGASA, ngayong araw ay magdudulot pa din ng katamtamang pag-ulan ang bagyo sa Kalayaan Islands.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, TonyoPH, weather, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, TonyoPH, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.