Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 56,025

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (November 8, 3:00 PM) nakapagtala ng 120 na bagong kaso kaya pumalo na sa 56,025 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 15,383
Laguna – 15,449
Batangas -9,747
Rizal – 11,338
Quezon – 4,108

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 7,460.

Nasa 47,073 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 149 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 13,006
Laguna – 13,751
Batangas – 8,745
Rizal – 9,276
Quezon – 2,295

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 2 kaya umabot na sa 1,492 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 406
Laguna – 316
Batangas – 284
Rizal – 370
Quezon – 116

Paalala ng DOH-CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

Read more...