Bilang ng mga nakarecover sa COVID-19 sa Navotas 4,975 na

By Mary Rose Cabrales November 09, 2020 - 04:55 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease o COVID-19 sa Navotas.

Base sa huling datos ng lungsod (alas-6 ng gabi ng Linggo, November 8), nasa 4,975 na ang nakarecover sa COVID-19 kung saan 6 ang nadagdag.

Wala namang naitalang bagong nasawi sa lungsod kaya ang bilang ng COVID-19 related deaths ay nasa 152 kung saan isa ang nadagdag.

Ang bilang naman ng active cases ay 47 kung saan 4 ang nadagdag.

Sa kabuuan umabot na sa 5,174 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Patuloy na paalala ng pamahalaang lungsod ng Navotas na panatilihin ang pagsunod sa mga safety measures para maiwasan ang pagdami pa ng kaso.

TAGS: coronavirus, COVID-19, Health, navotas, coronavirus, COVID-19, Health, navotas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.