Bilang ng mga nakarecover sa Mandaluyong City nadagdagan pa


Nadagdagan pa ang bilang ng mga gumaling na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Linggo, November 8, 4:12 PM), umabot na sa 5,252 ang bilang ng mga gumaling na sa virus sa lungsod kung saan nakapagtala ng 11 bagong kaso.

Ang bilang naman ng mga active cases ay nasa 135 kung saan 4 ang bagong naitala.

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nanatili sa 177.

Umabot naman na sa 5,564 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Walang naitalang probable habang 937 naman ang suspected cases.

Read more...