Sa Enero 6, 2021 Opisyal na mananalo si Pres. Elect Joe Biden – “WAG KANG PIKON!” ni Jake J. Maderazo

By Jake J. Maderazo November 09, 2020 - 04:00 AM

Ito’y matapos makumpirma ang lahat ng 573 electoral votes ng mga “electors” mula sa 50 estado ng Amerika. Sa araw na iyon, si US VP Mike Pence ang tatayong Senate President at pupulungin ang joint session ng mga bagong halal na senador at kongresista . Idedeklara nila ang resulta ng mga electoral votes at ipoproklama ang mga nanalong Presidente at Bise Presidente.

At dahil dikit na dikit o “disputed” ang eleksyon na ito, kung saan maraming electoral protest sa mga “swing states” Pennsylvania, Michigan, Virginia, North Carolina,Arizona atbp, may posibilidad na hindi magiging “smooth sailing” ang target na proklamasyon sa Enero 6.

Simula December 8, tatalakayin nang isa-isa ng mga “state courts” ang mga protesta pero, mukhang mahihirapang magkakaroon ng resulta bago ang proklamasyon. Ang dineklarang “unofficial victory” nina President-elect Biden at VP-elect Harris ay desisyon lamang ng US Media, na kumarkula ang mga unofficial counts ng mga estado.

Sa tingin ng mga kampo nina Trump, nagmamadali itong sina Biden at ang Democratic party. Si Trump at ang Republican party ay bumubuo ng mga legal teams nationwide, upang iprotesta ang nangyari umanong dayaan sa mga “early votes” at “mail voting” na umano’y one sided at nagpanalo sa Demoratic party. Ilan sa alegasyon ay marami raw dito ay “counterfeit” at walang “watermark”. Noonpang Mayo, pautlit ulit na sinasabi ni Trump na magkakadayaan sa early votes at mail voting at hanggang magbilangan ay ito pa rin ang kanyang sinasabi.

Nangunguna sa legal team si dating New York Mayor at 911 hero na si Rudy Giuliani, kasama rin ang Fil-am na si Utah Attorney general Sean Reyes at marami pang iba. May binanggit pa si Trump na US supreme court ang magpapasya sa isyung ito.

Bukod dito, mananatili si Trump bilang Presidente sa susunod na 71 days o sa Enero 20. Kayat marami pa ang mangyayari sa Amerika lalot lutang na lutang ang pagkakahati-hati ng kanilang bansa , asul at pula. Sa ngayon, 75M ng popular vote at 273 electoral votes ang nakuha ni Biden at 71M popular votes at 213 electoral votes lamang ang kay Trump, pero lahat ito’y unofficial hanggang sa Enero 6.

Lumabas na sa mainstream media ang mga boto nina Biden at Trump, at umulan ng pagbati ang mga lider ng buong mundo sa “unofficial winner”. Pero ang inaabangan natin ngayon ay ang ebidensya nitong grupo ni Trump na magpapatunay na dinaya nga siya sa “early votes” at mail voting.

Sa ngayon ang bawat “counting centers sa ”swing states” ay pinapaligiran ng mga supporters ng magkabilang panig na ang ilan ay mga armado. Sa init ng tensyon, hindi malayong magkagulo ang dalawang panig at dumanak ang dugo. Kung kayat inaasahan ko na dito ay iirall ang mahinahong mga lider ng Democratic at Republican party sa Amerika.

Sa matagal na panahon, ngayon lamang naging dikitan at “highly disputed” ang panalo o pagkatalo ng presidential candidate sa Amerika. Manalo man si Biden o kaya’y magwagi si Trump sa protesta, hating hati parin ang buong Amerika.

Kayat ang aabangan natin ay ang petsang Enero 6. Kung dahil sa mga protesta ay hindi makapili ang Kongreso ng nanalong presidente, ang uupo ay si VP elect Kamala Harris. Kung walang mapiling presidente at bise presidente, mag-aappoint na lamang ang Kongreso ng susunod na Presidente ng Amerika hanggang maresolba ng “electoral colleges” at ng Korte Suprema ang nanalo sa bilangan.

Abangan ang mga susunod na pangyayari.

TAGS: 573 electoral votes, Pres. Elect Joe Biden, US, US election, US President Donald Trump, 573 electoral votes, Pres. Elect Joe Biden, US, US election, US President Donald Trump

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.