Tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa Southern Leyte.
Sinabi ng Phivolcs na namataan ang lindol sa layong 11 kilometers Northeast ng Anahawan.
Naramdaman ang lindol bandang 7:06 ng gabi.
26 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang inaasahang pinsala sa nasabing bayan.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.