#TonyoPH, napanatili ang lakas habang kumikilos sa West Philippine Sea
Napanatili ang lakas ng Tropical Depression Tonyo habang kumikilos sa West Philippine Sea.
Sa severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 185 kilometers Kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro bandang 4:00 ng hapon.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong Timog-Kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour.
Inalis na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal sa alinmang parte ng bansa.
Ngunit dahil pa rin sa bagyo, asahan ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Aurora, at Palawan kabilang ang Calamian at Kalayaan Islands.
Inaasahang lalabas ang bagyo sa teritoryo ng bansa sa Lunes ng umaga, November 9.
Posibleng lumakas pa ang bagyo at maging Tropical Storm sa susunod na 24 oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.