Pangulong Duterte, pinauunang imbestigahan ang anomalya sa DPWH

By Chona Yu November 08, 2020 - 06:41 PM

Pinauuna ni Pangulong Rodrigo Duterte sa expanded task force ng Department of Justice ang pag-iimbestiga sa mga anomalya sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, partikular na pinatutukan ng Pangulo ang ghost ptojects na naging systemic corruption na.

“Tuluy-tuloy po iyan, pinapasilip na po ni Pangulo ‘yung mga ghost projects.  Pinapasilip n’ya dito sa mega task force, pinapa-audit niya po ang lahat ng mga, ‘ika nga, kung mayroong mga ghost project, at mananagot po ang dapat managot.  Tuluy-tuloy po ‘yan,” pahayag ni Go.

Ayon kay Go, tiyak na may paglalagyan ang mga tiwaling opisyal.

“So pag pumasok ka sa korapsyon, hindi mo sinunod ‘yung paalala ni Pangulo, you face the consequence. Kung sisibakin ka, kakasuhan ka, ikukulong ka, face the consequence. Talagang tutuluyan kayo ni Pangulo.  Tutuluyan namin kayo,” pahayag ni Go.

Apela ni Go sa mga nasa gobyerno, ayusin na ang trabaho at iwasan na ang pangungurakot.

“‘Yung mga korap sa gobyerno, maawa naman kayo sa taumbayan.  Nagbabayad ng buwis ang mga ‘yan, they expect nothing less. Lahat po ng binayad nilang buwis ay magagamit po sa tama at wala pong masasayang.  Walang masasayang, walang matatapon po dahil sa korapsyon,” pahayag ni Go.

TAGS: DOJ expanded task force, DPWH anomaly, DPWH corruption, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, DOJ expanded task force, DPWH anomaly, DPWH corruption, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.