BI, nagbabala sa mga trafficker

Nababahala ang Bureau of Immigration (BI) na muling magiging aktibo ang mga trafficker.

Ito ay matapos luwagan ng pamahalaan ang travel restriction matapos ang ilang buwang lockdown dahil aa COVID-19.

Ayon sa pahayag ng BI, maaaring samantalahin ng mga trafficker ang mga Filipino na desperado na makahanap ng trabaho sa ibang bansa.

Hindi maikakaila, ayon sa BI, na maraming Filipino ang nagnanais na makalabas ng bansa at magtrabaho.

Matatandaang maraming OFW ang umuwi ng bansa matapos mawalan ng trabaho dahil sa landemya sa COVID-19.

Read more...