Ipinapa-ban ni Joint Task Force Against COVID Shield Commander Lt. General Guillermo Eleazar ang Christmas caroling ng mga bata ngayong Pasko.
Ito ay para masiguro na ligtas sa COVID-19 ang mga bata.
Ayon kay Eleazar, delikado pa kasi para sa mga bata ang mamasko at gumala dahil may banta pa ng pandemya.
Sa ngayon, sinabi ni Eleazar na hinihintay na lamang niya ang desisyon ng Inter-Agency Task Force kung papayagan o hindi ang mga bata na mamasko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.