Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Linggo (November 8), umabot na sa 396,395 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 27,218 o 6.2 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,442 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
82.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.6 porsyento ang asymptomatic; 3.1 porsyento ang severe habang 5.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 54 muli ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 7,539 o 1.90 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 11,430 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 361,638 o 91.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.