Kalsada patungong Pensal Falls sa Quirino, malapit nang matapos

DPWH photo

Malapit nang matapos ang ginagawang kalsada patungong Pensal Falls sa Aglipay, Quirino ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na 91.87 porsyento nang kumpleto ang naturang proyekto.

Batay sa ulat ng Region 2 Director Malaluan, sinabi ng kalihim na bahagi ang proyekto ng  Tourism Road Infrastructure Project (TRIP) na ipinatupad ng kagawaran katuwang ang Department of Tourism (DOT) para sa ecotourism destinations.

Inaasahang matatapos ang proyekto ang 1.57-kilometer stretch ng access road sa taong 2021.

Oras na matapos, makatutulong ang proyekto para sa ekonomiya ng probinsya.

Read more...