Kalsada patungong Pensal Falls sa Quirino, malapit nang matapos
Malapit nang matapos ang ginagawang kalsada patungong Pensal Falls sa Aglipay, Quirino ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na 91.87 porsyento nang kumpleto ang naturang proyekto.
Batay sa ulat ng Region 2 Director Malaluan, sinabi ng kalihim na bahagi ang proyekto ng Tourism Road Infrastructure Project (TRIP) na ipinatupad ng kagawaran katuwang ang Department of Tourism (DOT) para sa ecotourism destinations.
Inaasahang matatapos ang proyekto ang 1.57-kilometer stretch ng access road sa taong 2021.
Oras na matapos, makatutulong ang proyekto para sa ekonomiya ng probinsya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.