Bagyong #TonyoPH nag-landfall sa San Juan, Batangas
Tumama ang Tropical Depression Tonyo sa kalupaan ng San Juan, Batangas bandang 8:00, Linggo ng umaga.
Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Lobo, Batangas dakong 10:00 ng umaga.
Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.
Bunsod nito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Northern at central portions ng Quezon (Gumaca, Pitogo, Quezon, Alabat, Perez, Unisan, Plaridel, Atimonan, Agdangan, Padre Burgos, Pagbilao, Mauban, Tayabas City, Lucena City, Sariaya, Candelaria, Tiaong, San Antonio, Dolores, Lucban, Sampaloc, Real, Infanta, General Nakar) kasama ang Polillo Islands
– Cavite
– Laguna
– Rizal
– Batangas
– Metro Manila
– Bataan
– Bulacan
– Pampanga
– Southern portion ng Aurora (Dingalan)
– Southern portion ng Zambales (San Marcelino, San Felipe, San Narciso, San Antonio, Castillejos, Subic, Olongapo City)
– Marinduque
– Northern portion ng Romblon (Romblon, San Andres, Calatrava, San Agustin, Corcuera, Banton, Concepcion)
– Northern at central portions ng Oriental Mindoro (Bongabong, Bansud, Gloria, Pinamalayan, Socorro, Pola, Naujan, Victoria, Calapan City, Baco, San Teodoro, Puerto Galera)
– Northern at central portions ng Occidental Mindoro (Sablayan, Santa Cruz, Mamburao, Paluan, Abra de Ilog) kasama ang Lubang Island
Ang ilang lugar, ayon sa PAGASA, ay inalis na sa Signal no. 1.
Samantala, tatahakin na ng bagyo ang West Philippine Sea sa hapon at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes ng umaga, November 9.
Sinabi pa ng weather bureau na posible pa itong lumakas at maging Tropical Storm sa susunod na 24 oras.
Sa araw ng Linggo, asahan ang mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay mabigat na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Aurora, northern portion ng Quezon kasama ang Polillo Islands, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, at Palawan kabilang ang Calamian at Kalayaan Islands.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.