BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 393,961 na

Hindi bababa sa 2,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Sabado (November 7), umabot na sa 393,961 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 36,260 o 9.2 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,157 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

83.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 10.0 porsyento ang asymptomatic; 2.3 porsyento ang severe habang 4.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 24 muli ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 7,485 o 1.90 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 252 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 350,216 o 88.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...