Metro Manila at ilan pang lalawigan, patuloy na uulanin
Asahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilan pang lalawigan sa Luzon.
Sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, ito ay dahil sa trough ng umiiral na low pressure area (LPA).
Sinabi ng PAGASA na makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang Metro Manila, Pampanga, Cavite, Nueva Ecija, Tarlac at Bulacan.
Kaparehong lagay din ng panahon ang iiral sa Bulacan, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.
Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.