Sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 11:34 ng umaga, ito ay dahil sa umiiral na low pressure area (LPA).
Sinabi ng PAGASA na maaapektuhan sa Quezon ang Tagkawayan, Calauag, Guinayangan, Lopez, Gumaca, Pitogo, Unisan, Plaridel, Macalelon, General Luna, Catanauan, Buenavista, San Narciso, Mulanay, San Francisco at San Andres.
Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.
Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.
MOST READ
LATEST STORIES