P1.7M na halaga ng shabu, nasabat sa isang drug runner sa Cebu

By CDN, Dona Dominguez-Cargullo March 16, 2016 - 09:04 AM

FILE PHOTO/Erwin Aguilon
FILE PHOTO/Erwin Aguilon

Arestado ang isang drug runner sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Calamba Public Cemetery sa Barangay Calamba, Cebu City.

Ayon kay Sr. Insp. Henrix Bancoleta ng Regional Anti-Illegal Drug Special Operations Group (RAID-SOTG), kinilala ang nadakip na si Japet Bontilao.

Si Bontilao ay nakatakda sanang mag-deliver ng 150 grams na shabu sa isang buyer nang siya ay madakip kaninang alas 4:30 ng madaling araw.

Nasabat mula kay Bontilao ang aabot sa P1.7 milyon na halag ang shabu.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy kung sino ang supplier na pinagkukunan ni Bontilao ng illegal na droga.

TAGS: 1.7 million peso worth of shabu seized in Brgy Calamba Cebu City, 1.7 million peso worth of shabu seized in Brgy Calamba Cebu City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.