No “Railroading” sa BBL

May 19, 2015 - 03:14 AM

11258146_813250342093077_5077939652946642249_nWalang nangyayaring “railroading” sa botohan para sa Bangsamoro Basic Law, yan ang pagtiyak ni Cagayan De Oro Representative Congressman Rufus Rodriguez, Chairman ng Ad- Hic Committee on the Bangsamoro.

Nakausap ng Radyo Inquirer si Rodriguez at sinabi nito na hindi nanaig ang version na nais na maipasa ni Pangulong Aquino.

Ang duda ng pammayani ng Malacanang version ng BBL ay lumutang matapos makipagpulong kay Pangulong Benigno Aquino III ang mga mambabatas.

“Walang Malacanan, wala ring Liberal Party version, “sagot ni Rodriguez sa tanong tungkol sa lumulutang na umanoy bersiyon.

Nilinaw ni Rodriguez na ang mga mambabatas ang humiling ng pulong sa pangulo at hindi ang kabaliktaran.

“We asked for the meeting in Malacanan and we were the one who was proposing to Malacanan the change in their bill that is why we had a meeting and we presented to them and many of those that we said were carried,” paliwanag ni Rodriguez.

Sa unang araw ng botohan, dalawang probisyon ng BBL ang inalis at anim na iba pang probisyon ang pinalitan ng mga salita.

“Ibig sabihin lang nito, hindi as is where is tulad ng gusto ng Moro Islamic Liberation Front ang pinagbobotohan namin,” ayon pa sa mambabatas.

Ang mga pinatutungkulang pagbabawas at pagbabago ay hindi kabilang sa mga napag-usapan sa nauna ng apat na pu at walong konsultasyon na isinagawa ng natura ring komite tungkol sa BBL./Jimmy Tamayo

TAGS: BBL, house of representative, rufus rodriguez, BBL, house of representative, rufus rodriguez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.