Bilang ng mga napinsalang health facility dahil sa Super Typhon Rolly, umakyat na sa 67
Umabot na sa 67 mga health facility ang napinsala ng Super Typhoon Rolly.
Sa online briefing, sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kabilang sa mga napinsala ang anim na DOH-hospitals and treatment and rehabilitation centers at tatlong local government hospitals.
Mayroon ding napinsala na 15 rural health units (RHUs) at 39 na barangay-health stations (BHSs) sa Bicol region, dalawang RHUs at dalawang BHSs sa Calabarzon.
Sinabi ni Vergeire na mayroong 30 temporary treatment and monitoring facilities ang nagkaroon din ng pinsala dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Rolly sa Bicol region.
Sa nasabing bilang, 8 ay sa Albay, 17 sa Camarines Sur, at 5 sa Camarines Norte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.