Pinsala ng Super Typhoon Rolly sa imprastraktura mahigit P11B na
Umabot na sa mahigit P11 bilyon ang halaga ng pinsala ng pananalasa ng Super Typhoon Rolly sa imprastraktura.
Sa update mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakapagtala ng pinsala sa imprastraktura sa Regions 1, 2, 3, 4-A, 4-B, 5, 8, CAR at NCR.
Pinakamatinding nagtamo ng pinsala sa imprastraktura ay sa Region 5 na umabot sa mahigit P9.8 billion ang halaga.
Sa MIMAROPA naman umabot na sa mahigit P1 bilyon ang halaga ng pinsala.
Samantala, umabot naman na sa mahigit P2.9 billion ang halaga ng pinsala ng bagyong Rolly sa agrikultura.
Ang Region 5 din ang nagtamo ng pinakamatinding pinsala sa mga pananim kung saan umabot sa mahigit P2.3 billion ang halaga ng pinsala.
Ayon sa NDRRMC, umabot sa kabuuang 65,897 na ektarya ng agricultural land ang naapektuhan ng bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.