Nasawi sa pananalasa ng Super Typhoon Rolly 22 na; 165 pa ang sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo November 06, 2020 - 12:34 PM

Umakyat na sa 22 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Super Typhoon Rolly sa bansa.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), maliban sa 22 nasawi, mayroon pang 3 na nawawala.

Nakapagtala din ng 165 na nasugatan sa pananalasa ng bagyo sa Mimaropa, Calabarzon, at Region 5.

Ayon sa NDRRMC, nakapagtala ng 17 insidente ng pagbaha at dalawang landslides noong kasagsagan ng paghagupit ng bagyong Rolly.

Mayroong aabot pa sa 128 na lungsod at munisipalidad sa Regions 4A, 4B, 5 at 8 ang wala pa ding suplay ng kuryente.

Habang 85 pang lungsod at munisipalidad ang nanaantiling walang suplay ng tubig sa Region 5 at MIMAROPA.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, catanduanes, Inquirer News, NDRRMC, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, RollyPH, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Breaking News in the Philippines, catanduanes, Inquirer News, NDRRMC, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, RollyPH, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.