Naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng Taguig City Police ang isang sinasabing miyembro ng Tinga Drug Group sa Barangay Ususan.
Base sa ulat, tinatayang P20 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska kay Patrick Ace Tinga, 24, bukod sa P50,000 halaga ng marijuana at drug paraphernalia.
Naaresto din sa operasyon ang siyam iba pa at nasagip ang dalawang bata sa isinagawang operasyon sa Mariano street.
Nakuha din sa mga suspek ang isang ‘blue book’ na pinaniniwalaang listahan ng kanilang mga kliyente.
Agad naman pinapurihan ni Mayor Lino Cayetano ang Taguig City Police dahil sa patuloy na pagsusumikap na malinis sa droga ang kanilang lungsod.
Ayon kay Cayetano bagamat abala sila sa pakikidigma sa COVID-19, hindi pababayaan ang ‘war on drugs’ sa lungsod.
Noong 2016, nahatulan na ng habambuhay na pagkabilanggo si Joel Tinga, na miyembro din ng grupo at nang sumunod na taon ay nahatulan din sa korte si Elisa Tinga, asawa ni Noel Tinga, na pinsan ni dating Mayor Freddie Tinga.