Ayon sa PAGASA ang Low Pressure Area na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility o PAR ay huling namataan sa layong 1,195 kilometers East ng Mindanao.
Inaasahang ngayong Biyernes (Nov. 6) ng hapon o gabi ay papasok na ito ng bansa.
Bukas ng tanghali o bukas ng gabi ay maaring nasa bahagi na ito ng Eastern Visayas.
Sa susunod na 48 na oras, sinabi ng PAGASA na lalakas pa ang LPA at magiging ganap na bagyo.
Papangalanan itong “Tonyo” sa sandaling mabuo bilang isang ganap na tropical depression.
MOST READ
LATEST STORIES