LPA sa Silangan ng Mindanao papasok na sa bansa ngayong araw; magiging bagyo at papangalanang “Tonyo”

By Dona Dominguez-Cargullo November 06, 2020 - 11:45 AM

Sa nakatakdang paglabas ng bansa ng Severe Tropical Storm Siony, isang panibagong bagyo naman ang agad na papasok sa bansa.

Ayon sa PAGASA ang Low Pressure Area na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility o PAR ay huling namataan sa layong 1,195 kilometers East ng Mindanao.

Inaasahang ngayong Biyernes (Nov. 6) ng hapon o gabi ay papasok na ito ng bansa.

Bukas ng tanghali o bukas ng gabi ay maaring nasa bahagi na ito ng Eastern Visayas.

Sa susunod na 48 na oras, sinabi ng PAGASA na lalakas pa ang LPA at magiging ganap na bagyo.

Papangalanan itong “Tonyo” sa sandaling mabuo bilang isang ganap na tropical depression.

 

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, LPA, Mindanao, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, TonyoPH, weather, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, LPA, Mindanao, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, TonyoPH, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.