Severe Tropical Storm Siony napanatili ang lakas; nasa bahagi na ng Bashi Channel
Napanatili ng Severe Tropical Storm Siony ang lakas nitoat ngayon ay nasa bahagi na ng Bashi Channel.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 50 kilometers east northeast ng Itbayat, Batanes.
Taglay pa din nito ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 115 kiometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 2 sa Batanes.
Signal number 1 naman ang nakataas sa Babuyan.
Habang lifted na ang tropical cyclone wind signal sa iba pang mga lugar.
Ang bagyo ay ay patuloy na kikilos patungo sa southern coast ng Taiwan sa loob ng susunod na 12 oras.
Mamayang gabi ay inaasahang lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.