15 sakay ng nasunog na fishing boat sa Surigao del Norte nailigtas ng Coast Guard

By Dona Dominguez-Cargullo November 06, 2020 - 11:31 AM

Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang labinglimang sakay ng bangkang pangisda sa karagatang sakop ng Surigao del Norte.

Batay sa imbestigasyon, umalis ng Surigao del Norte ang FBCA Jhieron Jay 88 para mangisda sa Pacific Ocean.

Habang naglalayag, aksidenteng natapon ang gasolina nito sa engine compartment at kumalat sa main engine at LPG tank ng bangka.

Dahil sa insidente, sumabog ang LPG tank.

Mabilis na nagtalunan sa tubig ang mga mangingisda habang nasusunog ang kanilang bangka.

Nakita naman sila ng isa pang bangkang pangisda na FBCA Lovedel at agad itinawag ang insidente sa Coast Guard.

Dalawa sa mga mangingisda ay nagtamo ng major burn injuries at 6 ang nagtamo ng minor burn injuries.

 

 

 

 

 

 

TAGS: coast guard, FBCA Jhieron Jay 88, fire incident, surigao del norte, coast guard, FBCA Jhieron Jay 88, fire incident, surigao del norte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.