Tatlo arestado sa drug raid sa San Juan

Arestado ang tatlong suspek sa isinagawang raid ng pulisya sa Barangay West Crame sa San Juan City.

Sa bisa ng isang search warrant nagsagawa ng joint operations ang mga tauhan ng PDEA EPD. at San Juan Police Station sa isang bahay sa Road 9, Brgy. West Crame kung saan nahuli ang dalawang lalaki at isang babae.

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 50 gramo ng shabu at ibat-ibang drug paraphernalia.

Kasabay nito nagbabala si San Juan City Mayor Francis Zamora sa sinumang magtatangka magpasok ng ilegal na droga sa San Juan na hindi sila titigilan ng mga otoridad hanggang sa mahuli.

 

 

 

 

 

Read more...