Bahagi ng Albay at Quezon siyam na oras mawawalan ng kuryente

File Photo
File Photo

Makararanas ng power interruption ang ilang bahagi ng lalawigan ng Albay at Quezon ngayong araw, March 16.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), magsisimula ang power interruption ng alas 9:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi mamaya.

Sa abiso, sinabi ng NGCP na magsasagawa sila ng preventive maintenance sa kanilang Tiwi-Malinao-Tabaco line.

Apektado ng power interruption ang mga lugar na sineserbisyuhan ng Quezelco 1.

Tiniyak naman ng NGCP na sisikapin nilang mapabilis ang pagsaaayos para maibalik ng mas maaga ang suplay ng kuryente. “Specific affected areas are determined by the distribution utility. NGCP will exert all efforts to restore power as scheduled or earlier,” ayon sa NGCP.

Read more...