Magat dam at Binga dam nagpapakawala pa din ng tubig

Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang Magat dam at Binga dam.

Sa inilabas na update ng PAGASA Hydrology Division, alas 9:00 ng umaga ngayong Biyernes, Nov. 6 ang water level ng Magat dam ay 189.01 meters.

Mayroon pa rin itong isang gate na nakabukas.

Ang Binga dam naman ay nasa 574.27 meters ang water level.

Isang gate din nito ang nakabukas at nagpapakawala ng tubig.

Samantala, inihinto naman na ang pagpapakawala ng tubig sa Ambuklao dam.

 

 

 

 

Read more...