Trump: They are trying to steal the election

Kasunod ng paglamang ni Joe Biden sa nagpapatuloy na US elections, nagbigay ng pahayag si incumbent President Donald Trump.

Sinabi ni Trump na naniniwala siyang gumagawa ng paraan ang kampo ni Biden para makuha ang panalo.

Inakusahan ni Trump ang Democrats na gumamit ng “illegal votes” para maipanalo si Biden.

Sinabi ni Trump na tiyak ang kaniyang panalo kung mga legal na boto lamang ang bibilangin.

Kabilang sa kinukwestyon ni Trump ang integridad ng mail-in ballots.

Sa kabila nito sinabi ni Trump na sa sandaling matapos na ang bilangan, tiwala siyang maidedeklara siyang panalo.

 

 

 

Read more...