Halos 600,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa buong mundo sa magdamag
Umabot sa halos 600,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Biyernes, (Nov. 6) ay 49,005,884 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 599,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 113,000 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 47,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 23,000 na mga kaso.
Ang France ay nakapagtala ng mahigit 58,000 na bagong kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 9,914,823
India – 8,411,034
Brazil – 5,614,258
Russia – 1,712,858
France – 1,601,367
Spain – 1,365,895
Argentina – 1,217,028
UK – 1,123,197
Colombia – 1,117,977
Mexico – 943,630
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.