LOOK: DOTr team dumating na sa Catanduanes
Nasa Catanduanes si Transportation Secretary Arthur Tugade at iba pang opisyal ng DOTr para magsagawa ng actual assessment at status sa mga transport facility na napinsala ng Super Typhoon Rolly.
Pagdating sa Catanduanes agad ininspeksyon ni Tugade ang Virac Airport.
Nakatakdang magsagawa ng briefing si Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Jim Sydiongco kay Tugade kaugnay sa status ng ginagawang repair at operational ability sa Virac Airport.
Nagtamo ng matinding pinsala ang naturang paliparan dahil sa pananalasa ng bagyong Rolly.
Pupuntahan din ng DOTr team ang Virac Port.
Napinsala ang Terminal Management Office (TMO) at Passenger Terminal Building (PTB), perimeter fence, back-up area, slope protection ng Virac Port.
Sa kabila ng matinding pinsala, nakapag-resume agad ng operasyon ang pantalan noong Nov. 3.
Pupuntahan din ng DOTr team ang bayan ng San Andres para tignan ang seaport doon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.