Sentro ng Severe Tropical Storm Siony tumawid na sa Misanga Island sa Itbayat, Batanes
Nakatawid na ang sentro ng Severe Tropical Storm Siony sa Misanga Island sa Itbayat, Batanes.
Ayon sa PAGASA, alas 7:50 ng umaga nang dumaan sa naturang lugar ang bagyo.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 30 kilometers east northeast ng Itbayat, Batanes.
Taglay pa din nito ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 115 kiometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 2 sa Batanes at Babuyan Islands.
Signal number 1 naman ang nakataas sa sumusunod na lugar:
– northern portion of mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Allacapan, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes)
– northern portion of Apayao (Santa Marcela, Luna, Calanasan)
– northern portion of Ilocos Norte (Adams, Pagudpud, Bangui, Dumalneg, Burgos, Vintar, Pasuquin, Bacarra)
Ang sentro ng bagyo ay patuloy na kikilos ng pa-kanluran patungo sa southern coast ng Taiwan sa loob ng susunod na 12 oras.
Mamayang gabi ay inaasahang lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.