Jeepney WiFi ng Globe ipinakalat sa mga lugar na nasalanta ng Super Typhoon Rolly

By Dona Dominguez-Cargullo November 06, 2020 - 08:47 AM

Nagpakalat ang Globe ng Jeepney WiFi sa mga lugar na nasalanta ng Super Typhoon Rolly.

Ito ay para maserbisyuhan ang mga residente, lalo at maraming lugar ang nananatiling bagsak ang network service.

Ayon sa Globe, nagdagdag pa ng tatlong bagong sites para sa libreng tawag, mobile phone charging at free WiFi, sa Quezon, Albay at Marinduque.

Mayroong Jeepney WiFi sa Quezon, Albay, Marindique, Camarines Sur, Camarines Norte, at Occidental Mindoro.

Sa mga susunod na araw ay daragdagan pa ng Globe ang mga itatalagang Jeepney Wifi na magbibigay ng libreng serbisyo sa mga residente.

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, BUsiness, free charging, free wifi, Globe, Inquirer News, Jeepney Wifi, Libreng Tawag, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, BUsiness, free charging, free wifi, Globe, Inquirer News, Jeepney Wifi, Libreng Tawag, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.