Kaso ng COVID-19 sa India nadagdagan ng mahigit 47,000 pa

Umabot na sa lagpas 8.4 million ang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 47,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 8,411,034 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 7.7 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 521,000 pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 600 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 125,029 na.

 

 

 

 

Read more...