Mahigit 200,000 katao nananatili sa evacuation center

By Dona Dominguez-Cargullo November 06, 2020 - 07:59 AM

Aabot pa sa mahigit 200,000 katao ang nananatili sa evacuation center matapos wasakin ng Super Typhoon ang kanilang tahanan.

Ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) aabot pa sa mahigit 61,900 na pamilya o katumbas ng mahigit 228,000 na katao ang nasa mga evacuation centers.

Ayon pa sa NDRRMC, umabot sa 44,033 na mga bahay ang napinsala ng bagyo.

Sa nasabing bilang 14,064 ang totally damaged at hindi na mapapakinabangan pa habang 29,969 ang partially damaged.

 

 

 

TAGS: RollyPH, Super Typhoon Rolly, Super Typhoon Rolly Aftermath, RollyPH, Super Typhoon Rolly, Super Typhoon Rolly Aftermath

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.