Inilagay na sa ‘red alert status’ ang mga residente na posibleng ma-apektuhan sakaling umapaw ang tubig sa La Mesa dam sa Quezon City.
Ito’y matapos umakyat sa ‘critical level’ sa 79.58 meters ang tubig sa dam dakong alas-12:00 ng tanghali dahil malapit na ito sa ‘spilling level’ na 80.15 meters.
Samantala, nakaalerto na ang Malabon local government sa posibleng pag apaw ng tubig sa La Mesa Dam.
Ayon kay Bong Padua ang Public Information Officer ng Malabon City, catch basin kasi ang Malabon kung kaya naiimbak ang tubig sa may bahagi ng Tullahan river.
Dahil dito, inalerto na ng lokal na pamahalaan ang mga residente sa may bahagi ng Tullahan river at pinayuhan na magsilikas sa mas ligtas na lugar kung kinakailangan.
Wala pang ipinatutupad na pre-emptive evacuation sa Malabon pero nakahanda na ang mga paaralan, mga covered court, barangay hall na magsisilbing evacuation center.
Kanina nakaranas ng bahagyang pagbaha ang bahagi ng Pinagsabuyan at university belt sa Maynila subalit mabilis din na humupa ang tubig. Jong Manlapaz/Chona Yu
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.