Mga tiwaling opisyal at empleyado sa DPWH pinagbibitiw na sa pwesto ni Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo November 06, 2020 - 07:08 AM

Pinagbibitiw na sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tiwaling opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Partikular na tinukoy ng pangulo ang mga sangkot sa “partial delivery” at “ghost projects” sa DPWH.

“Kayong may kasalanan diyan, I advise you to resign now. Resign now. Kasi pagdating ng panahon, I will throw the book at you,” ayon sa pangulo.

Tiniyak ng pangulo na mahaharap sa kaso at mapapanagot ang mga tiwali sa ahensya.

Ipinag-utos din ng pangulo ang pagsasagawa ng auditing sa mga proyekto ng DPWH.

Ito ay para matukoy aniya ang mga “ghost projects” at masimulan nang masampulan ang mga sangkot dito.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, corruption issue, DPWH, Inquirer News, Philippine News, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, corruption issue, DPWH, Inquirer News, Philippine News, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.