Pinsala ng Super Typhoon Rolly sa imprastraktura mahigit P8B na

By Dona Dominguez-Cargullo November 06, 2020 - 06:41 AM

St. John the Baptist Church, Tabaco City, Albay

Umabot na sa mahigit P8 bilyon ang halaga ng pinsala ng pananalasa ng Super Typhoon Rolly sa imprastraktura.

Sa update mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakapagtala ng pinsala sa imprastraktura sa Regions 1, 2, 3, 4-A, 4-B, 5, 8, CAR at NCR.

Pinakamatinding nagtamo ng pinsala sa imprastraktura ay sa Region 5 na umabot sa mahigit P7.5 billion ang halaga.

Samantala, umabot naman na sa mahigit P2.9 billion ang halaga ng pinsala ng bagyong Rolly sa agrikultura.

Ang Region 5 din ang nagtamo ng pinakamatinding pinsala sa mga pananim kung saan umabot sa mahigit P2.3 billion ang halaga ng pinsala.

Ayon sa NDRRMC, umabot sa kabuuang 44,712 na ektarya ng agricultural land ang naapektuhan ng bagyo.

 

 

 

 

TAGS: aftermath, Breaking News in the Philippines, damage to infrastructure, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, RollyPH, Super Typhoon Rolly, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Rolly, aftermath, Breaking News in the Philippines, damage to infrastructure, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, RollyPH, Super Typhoon Rolly, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Rolly

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.