Sa pulong sa Malakanyang ng inter-Agency Task Force, iniulat ni Health Secretary Francisco Duque II kay Pangulong Duterte na nabayaran na ng PhilHealth ang Red Corss.
Dahil dito, muli nang nag-resume ang Red Cross sa pagsasagawa ng COVID-19 tests.
Sumagot naman ang pangulo at nagkomento ng “Mukhang pera.”
Magugunitang inihinto ng Red Cross ang pagsasagawa nito ng COVID-19 tests na chargeable sa PhilHealth matapos umabot sa mahigit P930-million ang utang ng ahensya.
Nag-resume naman sa testing services ang Red Cross ng makabayad na ang PhilHealth ng inisyal na bayad na P500-million.
Kahapon araw ng Huwebes nagdagdag pa ng P100 million na bayad ang PhilHealth.