Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 54,924

By Mary Rose Cabrales November 06, 2020 - 05:13 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (November 5, 3:00 PM) nakapagtala ng 101 na bagong kaso kaya pumalo na sa 54,924 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 15,171
Laguna – 15,228
Batangas -9,575
Rizal – 11,100
Quezon – 3,850

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 7,503.

Nasa 45,959 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 179 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 12,705
Laguna – 13,480
Batangas – 8,592
Rizal – 8,906
Quezon – 2,276

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 1 kaya umabot na sa 1,462 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 397
Laguna – 314
Batangas – 278
Rizal – 361
Quezon – 112

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

 

 

 

TAGS: calabarzon, cavite, covid cases, laguna, Quezon, Rizal, calabarzon, cavite, covid cases, laguna, Quezon, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.