Paluan, Occidental Mindoro niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 38 kilometers southwest ng bayan ng Paluan, alas-10:36 gabi ng Huwebes (November 5).

May lalim na 11 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...