“One-strike policy” ipatutupad ng BI laban sa korupsyon
Ipatutupad ng Bureau of Immigration (BI) ang “one-strike policy” kasunod ng pagpapaigting ng kampanya laban sa korupsyon.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ipinag-utos niya sa BI Board of Discipline na masusing i-assess ang mga reklamo at ulat laban sa ilan nilang tauhan.
Kapag nakahanap ng merito, sinabi nito na agad itong irerekomenda sa Department of Justice para sa paghahain ng kasong administratibo.
Sa datos ng ahensya mula 2016, umabot na sa 131 personnel ang na-suspinde at na-dismiss dahil sa iba’t ibang offenses.
Hindi aniya kinukunsinti ang korupsyon sa kanilang hanay.
“In support of the President’s intensified drive against corruption, we have beefed up our Board of Discipline (BOD) to focus on cleaning up the Bureau,” pahayag ni Morente.
Ang BOD ay pinamumunuan ni Atty. Ronaldo Ledesma, dating naitalaga bilang BI OIC Commissioner at OIC Deputy Commissioner.
Mayroon ding in-assign na limang karagdagang abogado ang DOJ sa BOD.
Sa ilalim ng naturang polisiya, ang BI personnel na sangkot sa reklamo at imbestigasyon ay agad maaalis sa kanilang pwesto.ately.
Morente earlier lamented having no disciplinary powers over employees of the BI.
“The current immigration law does not give us disciplinary powers over employees. The set-up now is we are merely recommendatory to the DOJ. If administrative control was to be given to the BI, if we find someone involved in improper activities in the morning, we can immediately implement a suspension in the afternoon,” dagdag pa nito.
Hinikayat naman ni Morente ang publiko na i-report ang anumang ilegal na aktibidad sa numero ng ahensya: +632 86452400 o via Messenger sa Facebook.com/officialbureauofimmigration at Facebook.com/immigration.helpline.ph.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.