18 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Mandaluyong City
Napaulat ang 18 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 3:59, Huwebes ng hapon (November 5), 5,545 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 153 ang aktibong kaso.
Wala nang itinuturing na probable cases habang 1,109 ang suspected cases kung saan 21,585 ang cleared na.
14 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 5,216 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Samantala, 176 na ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.