Lima pang residente sa Muntinlupa City, naka-recover sa COVID-19

Umabot na sa 4,706 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (November 5), sa nasabing bilang ay 46 ang aktibong kaso.

295 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 45 ang suspected cases.

Samantala, 4,507 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 153 pa rin ang bilang ng nasawi.

Read more...