Drive Thru RFID Stickering, ilulunsad sa Caloocan sa Nov. 10
Ilulunsad ng Caloocan City government, katuwang ang Metro Pacific Tollways Corporation, ang Drive Thru RFID Stickering sa lungsod sa Martes, November 10.
Ayon sa Caloocan LGU, magsisilbi ang proyekto bilang suporta sa adhikain ng gobyerno na gawing cashless at contactless ang pagbabayad sa mga expressway.
“Tulong natin ito sa mga mamamayan upang hindi na sila mahirapan sa pagpila. Mas madali ang ating Drive Thru RFID Stickering dahil may pre-registration at pupunta ka lamang sa oras na itinakda upang hindi masayang ang iyong oras at pagod,” pahayag ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan.
Isasagawa amg proyekto sa bahagi ng Caloocan City People’s Park simula 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Paalala ng Caloocan LGU, maaaring kumuha ng subscription form para sa registration sa Office of the Secretary to the Mayor, 8th Floor, Caloocan City Hall o i-download sa:
https://drive.google.com/file/d/1lQ_NZEniS7TCGTvnszJ4hh2ytCwMrdHk/view?usp=sharing
Paalala naman nito, tiyaking kumpleto ang mga dokumento bago magtungo sa Caloocan City People’s Park.
Sa Class 1 vehicles, magdala ng P500 para sa initial load habang P1,000 naman sa Class 2 at 3 vehicles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.