Pangulong Duterte, ipatatawag ang mga opisyal ng BI na unang sinuspinde
Ipatatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang ang mga opisyal ng Bureau of Immigration na una nang sinuspinde.
Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, haharapin ng pangulo ang mga BI official sa araw ng Lunes, November 9.
Partikular na ipatatawag ng Pangulo ang mga sangkot sa ‘Pastillas scheme’ sa airport kung saan tumatanggap ng pera mula sa mga Chinese para mabilis na makapasok sa bansa.
Dagdag ng senador, gagawin nang regular ni Pangulong Duterte ang pag-aanunsyo sa publiko ng mga pangalan ng mga korap na opisyal ng gobyerno para madala ang mga ito at huwag nang gayahin pa ng ibang nagsisilbi sa pamahalaan.
Una nang nagbabala si Pangulong Duterte na may magaganap pang malawakang sibakan ng mga tiwaling opisyal sa Pasko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.