#SionyPH, bahagyang lumakas habang papalapit sa Luzon Strait

By Angellic Jordan November 05, 2020 - 06:11 PM

Bahagya pang lumakas ang Severe Tropical Storm Siony habang papalapit sa Luzon Strait.

Batay sa huling severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 340 kilometers Silangan ng Basco, Batanes dakong 4:00 ng hapon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 125 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Bunsod nito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal number sa mga sumusunod na lugar:

Signal no. 2:
– Batanes
– Babuyan Islands

Signal no. 1:
– Northern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Allacapan, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes)
– Northern portion ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Calanasan)
– Northern portion ng Ilocos Norte (Adams, Pagudpud, Bangui, Dumalneg, Burgos, Vintar, Pasuquin, Bacarra)

Patuloy na kikilos ang bagyo pa-Kanluran o Kanluran Hilagang-Kanluran sa susunod na 24 oras.

Ayon sa weather bureau, maaaring mag-landfall ang sentro nito o lumapit sa bisinidad ng Batanes o Babuyan Islands, Biyernes ng umaga (November 6).

Inaasahan namang lalabas ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility sa Biyernes ng hapon o gabi.

Babala ng PAGASA, Huwebes ng gabi, asahan ang kalat-kalat na mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay mabigat na pag-ulan sa Pangasinan at ilang parte ng Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, and Mindanao dulot ng trough ng bagyo at Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Moderate to heavy rains naman ang iiral sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa Bagyong Siony simula Biyernes ng madaling-araw.

Samantala, isang low pressure area (LPA) sa labas ng bansa ang tinututukan din ng PAGASA.

Huling namataan ang LPA sa layong 1,170 kilometers Silangan ng Visayas.

Posibleng pumasok ng teritoryo ng bansa ang bagyo sa Biyernes ng hapon o gabi.

Sinabi pa ng PAGASA, maaaring maging Tropical Depression ang LPA sa susunod na 48 oras.

TAGS: Bagyong Siony, breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, Severe Tropical Storm Atsani, Severe Tropical Storm Siony, sionyph, weather update November 5, Bagyong Siony, breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, Severe Tropical Storm Atsani, Severe Tropical Storm Siony, sionyph, weather update November 5

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.